|
||||||||
|
||
Kahapon, dito sa Beijing, sinagot ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mga tanong ng mga mamamahayag hinggil sa Hong Kong hostage-taking incident na naganap noong 2010 sa Pilipinas. Ipinahayag ni Hua na hinihimok ng Tsina ang pamahalaan ng Pilipinas na isagawa ang aktuwal na hakbangin para maayos na lutasin ang isyung ito, sa lalo madaling panahon.
Sa panahon ng di-pormal na pulong ng mga lider ng APEC, nakipagtagpo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Chun-Ying Leung, Punong Ehekutibo ng Hong Kong, Special Administration Region (HKSAR). Nabanggit ni Leung ang Hong Kong hostage-taking incident, at ipinahayag ni Pangulong Xi na hihimukin ng Pamahalaang Sentral ng Tsina ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa isyung ito.
Sinabi ni Hua na kinakatigan ng Pamahalaang Tsino ang pagpapanatili ng Pamahalaan ng HKSAR at Pilipins ng mahigpit na komunikasyon hinggil dito. At ipinahayag na ng Tsina ang naturang paninindigan sa Pilipinas sa pamamagitan ng diplomatikong paraan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |