|
||||||||
|
||
Sa isang pahayag na ipinalabas kamakailan, nagbabala ang naghaharing Union Solidarity and Development Party (USDP) ng Myanmar, na malaking panganib ang maaring idulot sa bansa at mga mamamayan kung itatakwil ang kasalukuyang Konstitusyon at magbabalangkas ng bago. Ihaharap ng USDP ang paninindigang ito sa Constitution Review Joint Committee.
Nitong nagdaang Hulyo, bumuo ang Parliamento ng Myanmar ng Constitution Review Joint Committee na kinabibilangan ng 109 na miyembro mula sa iba't ibang partidong pulitikal, panig militar, at indibiduwal. Noong unang araw ng Oktubre, humingi ng mungkahi ang Komite hinggil sa pagsususog ng Konstitusyon mula sa iba't ibang sangay ng bansa. Ang taning na itinakda ng Komite para sa pagsumite ng mga mungkahi ay ika-15 ng Nobyembre.
Sa isang naunang pahayag ng National League for Democracy (NLD), partido oposisyon na pinamumunuan ni Aung San Suu Kyi, tinukoy ng nito, na kahit nakipag-usap na ito sa mga ethnic minorities hinggil sa isyu ng Konstitusyon, wala pa silang narating na komong palagay. Hihingi rin ang NLD ng palagay at mithiin hinggil dito.
Ang kasalukuyang Konstitusyon ng Myanmar na binubuo ng 15 karta at 194 na pahina ay opisyal na pinairal noong 2008, pagkaraan ng isang pambansang reperendum. Batay rito, 25 % ng mga upuan ng Parliamento sa tatlong lebel, na hindi na kailangan ang paghalal o puwedeng direktang i-nomina ay inirereserba para sa mga miyembrong militar.
Salin: Jade
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |