Sa Ika-21 Di-pormal na Summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) na idinaos kahapon, inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mga paninindigan ng kanyang bansa tungkol sa malayang kalakalan at sistema ng multilateral na kalakalan sa rehiyong Asya-Pasipiko.
Binigyan-diin ni Xi na dapat magkaisa ang mga kasapi ng APEC para mapasulong ang integrasyon ng kabuhayang Asya-Pasipiko; bukas aniya ang panig Tsino sa lahat ng mekanismo at plano na makakabuti sa pagsasamasama ng rehiyon. Para rito, idinagdag niyang dapat manatiling bukas, inklusibo at transparent ang pakikitungo ng mga kasapi; itatag at simulan ang mekanismo ng pagpapalitan ng impormasyon sa loob ng malayang sonang pangkalakalan sa lalong madaling panahon, habang buong tatag na tinututulan ang proteksyonismong pangkalakalan at patatagan ang kompiyansa para pasiglahin ang mekanismo ng multirateral na kalakalan.
Dapat magpadala ng malakas na signal na pulitikal para pasulungin ang pagdating ng inisyal na resulta, at pagpapatiyak ng pragmatikong road map ng Doha Round ng Talastasan, sa lalong madaling panahon, dagdag pa ni Xi.