Pagkaraang dumalo sa Ika-21 Di-Promal na Pulong ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC), luminsan ng Bali at bumalik na sa bansa kaninang hapon si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Ang tema ng katatapos na pulong ay"Resilient Asia-Pacific, Engine of Global Growth". Tinalakay dito, pangunahin na, ang pagpapatupad ng Bogor Goals, sustenable at pantay-pantay na paglaki, interconnection at interlink, at iba pang paksa. Nagpalitan din ng kuru-kuro ang mga kalahok na lider tungkol sa kalagayang pangkabuhayan sa rehiyon at buong daigdig.
Sa iba't ibang okasyon, inilahad ni Pangulong Xi ang mga panindigan ng Tsina tungkol sa papel ng APEC sa pagpapahigpit ng mekanismo ng multirateral na kalakalan, interconnection at intercommunication sa rehiyong Asya-Pasipiko at iba pang isyu. Ipinaliwanag din niya ang mga ideya ng panig Tsino hinggil sa pagdaraos ng APEC Summit sa Tsina sa susunod na taon.