Ipinagpatuloy ngayong araw sa Bali Island, Indonesia ang Ika-21 Di-pormal na Summit ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC). Nagtalumpati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagkakatatag ng interconnection at interlink ng magkabilang pampang ng Pasipiko.
Tinukoy ni Xi na dapat sundin ng APEC ang agos ng progreso para gawin nang mabuti ang interconnection at interlink. Aniya, dapat itatag ang nasabing kayarian para mapasulong ang mga Sub-regional Economic Corridor, upang mapatupad ang integrasyon ng mga miyembro ng APEC. Dagdag pa niya, dapat ding itatag ang partnership na malawak na lalahukan ng mga pamahalaan, pribadong sector, at pandaigdigang organisasyon; pasulungin ang pagtatatag ng interconnection, interlink, at konstruksyon ng imprastruktura; at pahigpitin ang pag-uugnayan ng mga mamamayan sa rehiyong Asya-Pasipiko sa larangan ng kabuhayan, kalakalan, edukasyon, sisyensiya, teknolohiya, kultura, at iba pa.
Salin: Andrea