Kaugnay ng gagawing pagdalaw ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga bansa ng Timog-Silangang Asya, ipinahayag ni Gao Yan, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina na ibayo pa nitong mapapasulong ang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan na may mutuwal na kapakinabangan ng Tsina at ASEAN.
Ipinalalagay niya na may tatlong bentahe ang kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan sa pagitan ng Tsina at ASEAN, kabilang dito ang malapit na heograpiya, pamilihan, at pagkokomplimento ng kabuhayan.
Sinabi niya na nitong 10 taong nakalipas, ang mga mamamayan at bahay-kalakal ng dalawang panig ay nakikinabang sa naturang kooperasyon. Aniya, sapul noong 2006, 4 na sonang pangkabuhayan ang naitayo ng panig Tsino sa Cambodia, Thailand, Vietnam at Indonesia, at ito ay nakatulong sa hanap-buhay doon.