Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Summit ng ASEAN, Hapon, T.Korea at Amerika, magkakahiwalay na idinaos

(GMT+08:00) 2013-10-10 11:02:28       CRI
Kahapon sa Bandar Seri Begawan, Brunei, magkakahiwalay na idinaos ang mga summit meeting sa pagitan ng ASEAN at Hapon, ASEAN at Timog Korea, at ASEAN at Estados Unidos.

Sa ASEAN Japan Summit, ipinahayag ng mga bansang ASEAN na umaasa silang mas malalim na makikipagtulungan ang Hapon sa ASEAN. Umaasa rin silang matatapos, bago ang katapusan ng taong ito, ang talastasan hinggil sa kasunduan sa serbisyo at pamumuhunan ng ASEAN Japan Free Trade Area.

Sa ASEAN South Korea Summit, ipinahayag ng ASEAN na pasusulungin ang pakikipagtulungan sa Timog Korea sa larangan ng inobasyon, para mapalakas ang kakayahan ng ASEAN sa pagdedebelop na pansiyensiya at panteknolohiya.

Sa kauna-unahan namang ASEAN US Summit, inulit ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng E.U., na ang "rebalance" ng kanyang bansa sa Asya-Pasipiko ay hindi maaapektuhan ng kasalukuyang tigil-operasyon ng pamahalaan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>