Mula noong ika-9 hanggang ika-11 ng buwang ito, dumalaw si Premiyer Li Keqiang ng Tsina sa Brunei at nakipagpalitan siya ng palagay sa mga lider ng bansang ito. Dahil sa nabanggit na ibayo pang palalimin ang kanilang relasyon, pahigpitin ang kooperasyon sa dagat, at pasulungin ang komong paggalugad.
Binigyan-diin pa ng dalawang panig na dapat lutasin ang alitan sa teritoryo at jurisdiction sa rehiyon ng South China Sea, sa pamamagitan ng mapayapang diyalogo at talastasan sa pagitan ng mga bansa na may direktang kaugnayan. Inulit din nilang magsisikap sila para totohanang tupdin ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea (DOC); pangalagaan ang kapayapaan, katatagan at kaligtasang panrehiyon; pahigpitin ang pagtitiwalaan at palakasin ang pagtutulungan.
Bukod dito, nagpahayag ng kasiyahan ang dalawang pamahalaan sa kooperasyon nila sa aspekto ng enerhiya, partikular na, ang kasalukuyang kooperasyon sa pagitan ng China National Offshore Oil Corporation at Brunei National Petroleum Company. Kinakatigan anila sila sa mga may kinalamang kompanya na ipagpatuloy ang komong paggalugad at paghahanap ng yamang langis at natural gas sa dagat.