Ayon sa ulat kahapon ng pahayagang "Lianhe Zaobao" ng Singapore, pagkaraang iharap ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang "2 plus 7" na balangkas-pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN, binigyan ng positibong pagpapahalaga ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore ang mungkahi ng Premyer Tsino hinggil sa paglagda sa "Kasunduan ng Kooperasyong Pangkapitbansa at Pangkaibigan ng Tsina at ASEAN."
Ani Lee, bilang bansang tagapagkoordina ng relasyon ng Tsina at ASEAN sa susunod na taon, puspusang palalakasin ng Singapore ang relasyon ng dalawang panig.
Tungkol naman sa mga mungkahing pagtatatag ng "Bangko ng Pamumuhunan sa Imprastruktura ng Asya" at pagpapasulong sa konstruksyon ng imprastruktura sa rehiyong ito, na magkahiwalay na iniharap kamakailan ni Pangulong Xi Jinping at Premyer Li ng Tsina, ipinalalagay ni Lee Hsien Loong na ang ganitong bangko ay magkakaloob ng tsanel ng pangingilak ng pondo para sa pagdedebelop ng imprastruktura ng mga bansa ng Timog Silangang Asya.
Winiwelkam din ni Lee ang mungkahi ng Premyer Tsino hinggil sa upgraded version ng China ASEAN Free Trade Area (CAFTA). Aniya, ang aksyong ito ay makakatulong sa pagsasakatuparan ng kapuwa panig sa target na 500 bilyong dolyares na bilateral na kalakalan bago ang taong 2015.
Salin: Vera