Sa idinaos na ika-16 na China ASEAN Summit sa Brunei, inilahad ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang patakaran ng pamahalaang Tsino hinggil sa pagpapaunlad ng relasyon sa ASEAN sa darating na sampung taon. Ang patakarang ito ay kinabibilangan ng 2 pulitikal na komong palagay at mga kooperasyon sa 7 larangan, at tinatawag itong "2 plus 7 points" na balangkas na pangkooperasyon. Kaugnay nito, nang kapanayamin kamakailan ng CRI, sinabi ni Qu Xing, Puno ng China Institute of International Studies, na ang patakarang itong iniharap ni Premyer Li ay nagbigay ng konkretong nilalaman sa konseptong iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa "China ASEAN Community of Destiny." Ito rin aniya ay nagbigay ng roadmap sa "Diamond Decade" ng Tsina at ASEAN sa hinaharap.
Sinabi ni Qu, na
"Ipinalalagay kong ang naturang '2 plus 7 points' na patakaran ay matibay na pundasyon at kumpletong balangkas para sa "Diamond Decade" ng relasyong Sino-ASEAN. Nagbigay din ito ng konkretong nilalaman sa konseptong iniharap ni Pangulong Xi Jinping hinggil sa 'China ASEAN Community of Destiny' noong panahon ng pagdalaw niya sa Indonesya."
Tinukoy din ni Qu na kung mainam na maipapatupad ang "2 plus 7 points" na balangkas na pangkooperasyon, maaabot ng Tsina at ASEAN sa darating na sampung taon ang magandang kalagayan ng pagtutulungan at kapayapaan, at may mutuwal na kapakinabangan at win-win situation. Sa gayon aniya, tunay na lilikha ang dalawang panig ng "Community of Destiny."
Salin: Liu Kai