|
||||||||
|
||
Nagtagpo kaninang umaga sa Hanoi sina Premyer Li Keqiang ng Tsina at Pangulong Truong Tan Sang ng Biyetnam.
Ipinahayag ni Li ang pag-asang maisasakatuparan ng dalawang bansa ang mga narating na nagkakaisang posisyon ng kanilang mga pamahalaan para ibayo pang pasulungin ang komprehensibing estratehikong partnership ng dalawang panig.
Ipinahayag naman ni Truong Tan Sang ang mainit na pagtanggap sa pagdalaw ni Li. Sinabi ni Li na pinahahalagahan ng kanyang bansa ang relasyon nito sa Tsina at ikinasisiya rin aniya ng Partido Komunista ng Biyetnam (CPV) at pamahalaan ang natamong bunga ng dalawang panig sa pamamagitan ng pagdalaw ni Li.
Naniniwala aniya siyang maisakatuparan ang mga narating na nagkakaisang posisyon ng dalawang panig para pataasin ang kanilang relasyon sa bagong antas.
Salin: Ernest
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |