Sa kanyang pakikipagtagpo kay Lakhdar Brahimi, Espesyal na Sugo ng United Nations at Arab League, hinimok kahapon sa London ni John Kerry, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos na idaos ang pandaigdig na pag-uusap para sa kapayapaan ng Syria.
Winika ni Kerry sa mga mamamahayag na dapat idaos ang pulong ng kapayapaan para talakayin ang pagtatatag ng transisyonal na awtoridad ng Syria sa lalong madaling panahon. Kailangan aniyang idaos ang "Ika-2 Pulong ng Geneva" sa Nobyembre. At ito aniya ay komong palagay nila ni Brahimi. Isiniwalat rin niyang dadalaw siya sa Gitnang Silangan sa linggong ito, para makipagkita sa mga kinatawan ng iba't ibang panig, talakayin ang detalye ng pagdaos ng pag-uusap para sa kapayapaan ng Syria.
Matapos ang kanyang pagdalaw sa Asya, lumisan si Kerry ng Afghanistan patungong London, at nakipag-usap siya doon kay Catherine Ashton, Ministrong Panlabas ng Unyong Europeo hinggil sa mga isyu ng Iran at Syria.
salin:wle