|
||||||||
|
||
ISANG araw matapos ang mapaminsalang lindol ay naglakbay na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Cebu at Bohol upang alamin ang pinsala sa pook.
Binanggit niya sa briefing na idinaos sa National Disaster Risk Reduction Management Council kagabi na nais niyang alamin ng lahat ng ahensya ng pamahalaan kung mayroon pang naiipit sa mga gusali at malalayong pook.
Pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino ang pagpupulong ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa Kampo Aguinaldo upang pag-usapan ang tugon sa trahedya sa Gitnang Pilipinas, partikular sa Cebu at Bohol. (Malacanang Photo)
Base sa ulat ng Department of Science and Technology na may posibilidad na magkaroon ng sinkholes na magdudulot ng peligro sa mga mamamayan at mga pagawaing bayan.
Iniulat na ni Secretary Corazon Juliano Soliman na ang kanyang kagawaran ay mayroong pagkain at mga tolda para sa mga biktima. Kailangan pa rin ng dagdag na mga tolda sapagkat maraming mga mamamayan ang nangangambang umuwi kaagad dahilan sa aftershocks.
Sa Tagbilaran stadium, mayroon nang 200 pamilyang pansamantalang naninirahan. Umaasa sina Secretary Soliman na magaragdaragan pa ang bilang na ito.
Sa Department of National Defense, naka-antabay ang tatlong C-130 cargo planes para magdala ng relief supplies at mga tauhan. Kaya ng daungan sa Tagbilaran na tumanggap ng mga barko ng Hukbong Dagat ng Pilipinas na may dalang relief goods, mga tauhan at iba pang supplies.
Ibinalita ng Department of Public Works 12 tulay ang napinsala ng lindol. Ito umano ang magpapahirap sa pagdadala ng mga relief supplies. Gagawa sila ng pansamantalang mga tulay para sa mga mamamayan ng pook.
Inatasan ni Pangulong Aquino ang Department of Public Works and Highways na suriin ang mga gusali at mga pagawaing bayan upang matiyak ang kanilang tibay at maiwasan ang pagkasawi ng sinuman.
Maaaring matagalan ang restoration ng Basilica Minore ng Sta. Nino sa
Sinusuri na ng DPWH ang mga pagamutan at mga paaralan. Sa pinakahuling balita ng kagawaran, hindi madaanan aang mga lansangan sa Bohol dahilan sa pagguho ng lupa at pinsalang tulad ng mga bitak, pagbagsak ng mga may aspalto at sementong lansangan tulad ng Cortes-Balilihan-Catigbian-Macaas Road, Tagbilaran East Road Laya Baclayon, Tagbilaran North Road at Loay Interior Road Loboc Section.
Siyam na tulay ang napinsala at hindi madaanan. May dalawang tulay na bagama't napinsala ay nadadaanan pa ng mga sasakyan.
Bumagsak ang kampanaryo ng simbahan sa Baclayon at napinsala ang mga simbahan sa Maribojoc, Loon, Dawis at Loboc.
May mga napinsalang paaralan sa Bohol, Cebu at Negros Occidental. Ang mga ito'y mga gusali sa Silay North Elementary School, sa Sagay, Mandaue at Tagbilaran cities, sa Santa Fe, Cebu, sa Bohol ay mayroong isang classroom na nagiba. Walang pasok sa mga paaralang pangpubliko sa Cebu at Bohol simula ngayon.
Sinabi ni Undersecretry Teodoro Herbosa ng Department of Health na dumalaw sila nina Pangulong Aquino sa Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City. Sa datos ng kanilang tanggapan, may 67 ang nasawi at may 177 ang nasugatan dala ng lindol kahapon.
Bagaman, sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management council na may 144 katao ang nasawi, 291 ang nasugatan at 23 ang nabalitang nawawala (hanggang kaninang ika-lima ng hapon). Sinuri nila ang gusali at nabatid na ligtas naman ito. Ang pinaka-problema ay ayaw ng mga pasyente na bumalik sa ikalawang palapag sa takot na magkaroon pa ng mas matinding pagyanig ng lupa.
May 21 pang mga evacuation centers ang binuksan ng Department of Social Welfare and Development mula sa 13 nabuksan kagabi at mayroong 5,620 pamilya na binubuo ng 28,100 katao. Ang lahat ng evacuation centers ay nasa Bohol. Sa naunang report, siyam na tahanan ang nagiba samantalang 284 ang partially damaged.
Nakatanggap sila ng halos P 900,000 na halaga ng food at non-food items ang kanilang natanggap mula sa Rotary Club of Cebu, sa local government units ng Cebu at Mandaue cities.
May nakahdang emergency relief goods na halos P 3 milyon ang nasa Villamor Airbase at daungan ng Maynila upang madala sa pinaka-madaling panahon sa Cebu City at Tagbilaran City.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |