Sa hearing ngayong araw sa Lupong Lehislatibo, ipinahayag ni Leung Chun-ying, Punong Ehekutibo ng Esepesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong, Tsina, na sa isyu ng Manila Hostage-taking Inccident, maghahanap ng katarungan ang kanyang pamahalaan para sa mga nabiktimang taga-Hong Kong. Isiniwalat din niyang mayroon nang sagot mula sa Malacanang, at idaraos sa malapit na hinaharap ng mga opisyal ng Hong Kong at Pilipinas ang kauna-unahang pagsasanggunian hinggil sa isyung ito.
Ipinahayag din ni Leung na lubos ding pinagmamalasakitan ng Sentral na Pamahalaan ng Tsina ang naturang isyu, at kinakatigan ang posisyon ng pamahalaan ng Hong Kong. Dagdag niya, pananatilihin ng pamahalaan ang pakikipag-ugnayan sa mga kamag-anakan ng mga nasawi at mga nasugatan ng naturang insidente, at kung may bunga, agarang iulat sa publiko. Nanawagan din siya sa mga mamamayan ng Hong Kong na magkaisa sa isyung ito, para maghanap ng katarungan para sa kanilang kababayan.
Salin: Liu Kai