Sa isang pahayag na ipinalabas kahapon, sinabi ng magkasanib na grupong tagapagsiyasat ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) at United Nations (UN) sa sandatang kemikal ng Syria, na nasuri na nila ang 14 na lugar sa bansang ito na may kinalaman sa sandatang kemikal.
Ayon naman sa OPCW, sa kasalukuyan, gumagawa ng pagsisiyasat sa Syria ang halos 60 tauhan ng nabanggit na grupo, at mainam ang natamong progreso ng kanilang gawain. Anito pa, kung walang sagabal, matatapos bago ang kalagitnaan ng susunod na taon ang misyon ng pagwasak sa mga sandatang kemikal sa Syria.