Ipinahayag kahapon ni Khawla Mattar, tagapagsalita ni Lakhdar Brahimi, Joint Special Envoy ng UN at Arab League sa isyu ng Syria, na wala pang pinal na iskedyul hinggil sa ika-2 pulong sa Geneva hinggil sa naturang isyu.
Winika ito ni Mattar bilang tugon sa sinabi ng isang nakatataas na opisyal ng Syria na idaraos mula ika-23 hanggang ika-24 ng susunod na buwan ang nabanggit na pulong. Sinabi rin niyang sa kasalukuyan, wala pang nakatakdang petsa, at sa sandaling mayroon, ipapatalastas ito ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng UN.
Dagdag pa ni Mattar, hinihintay nila ang desisyon ng paksyong oposisyon ng Syria kung lalahok o hindi sa naturang pulong.