Ipinahayag kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sa gagawing pagdalaw ni Punong Minitro Manmohan Singh ng Indya sa Tsina, lalagdaan ng dalawang bansa ang mga kasunduan sa bilateral na kooperasyon sa iba't ibang larangan.
Dagdag ni Hua, sa kasalukuyan, tinatalakay ng Tsina at Indya ang hinggil sa pagpapadali ng visa application procedure, pagtatatag ng economic corridor na saklaw ng Tsina, Indya, Bangladesh at Myanmar, pagpapasulong ng kooperasyon sa daambakal at industrial park, at iba pa. Aniya, ang mga ito ay naglalayong hindi lamang palakasin ang relasyon at kooperasyon ng Tsina at Indya, kundi pasulungin rin ang paglaki ng kabuhayan ng buong Asya.