Pinulong kamakailan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang Konseho ng Estado, para ipatupad ang mga susunod na gawain hinggil sa pagpapasulong ng reporma at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan ng bansa.
Ipinahayag ni Li na ayon sa pinakahuling estadistika ng kabuhayan, lumitaw ang matatag at mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino. Aniya, dapat ipagpatuloy ang mga hakbangin ng pagpapasulong ng reporma at pagsasaayos ng estrukturang pangkabuhayan, para mapanatili ang tunguhing ito.
Iniharap din ni Li ang apat na kahilingan na gaya ng pagpupulido ng nabanggit na mga hakbangin, ibayo pang paglilikha ng pantay-pantay na pamilihan, pagpapalakas ng kakayahang kompetetibo ng mga industriya, at pagpapasulong ng mga gawain ng pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai