Naganap kahapon ang maraming insidente ng pagsabog sa iba't ibang lugar ng Iraq, na ikinamatay ng di-kukulangin sa 51 at ikinasugat ng halos 70 iba pa.
Ipinahayag ng panig ng pulisya ng Iraq na magkakahiwalay na naganap ang nasabing mga pagsabog sa Al-A'amel neighborhood sa timog-kanluran ng Baghdad na pinanng mga Shiite, Al-A'amiriya neighborhood at Ghazaliya sa kanluran ng Baghdad, Lunsod ng Rawa ng Lalawigan ng Al-Anbar sa dakong kanluran ng Iraq. Kasunod ng pagsasagawa ng relief work, may posibilidad na ibayo pang lumalaki ang bilang ng mga kasuwalti.
Hanggang sa kasalukuyan, wala pang organisasyon o indibiduwal na umaamin na siyang may pananagutan sa insidenteng ito.
salin:wle