|
||||||||
|
||
Noong 2011, sa kalagayang walang kapahintulutan ng Pakistan, naglunsad ang E.U. ng atake sa loob ng Pakistan na ikinamatay ni Osama Bin Laden, lider ng Al-Qaïda. Pagkatapos nito, lumalala na ang relasyon ng E.U. at Pakistan.
Noong Mayo ng taong ito, nanungkulan si Nawaz Sharif bilang PM ng Pakistan at ipinahayag niyang nakahanda ang kanyang bansa na maging cooperative partner ng E.U.. Bilang pagpapahayag ng katapatan sa pagpapabuti ng relasyon ng dalawang bansa, ipinatalastas rin ng E.U. na magkaloob ng tulong na militar at pangkabuhayan sa Pakistan na nagkakahalaga ng 1.6 bilyong dolyares.
Kamakailan isiniwalat ng Kagawaran ng Estado ng Estados Unidos na sinimula na ang naturang proyekto ng tulong nitong nakaraang tag-init. Hanggang sa kasalukuyan, naa-probahan na ng Kongreso ang karamihan sa mga proyekto. Mula sa susunod na taon, maglalaan na ng pondo ang Amerika para sa Pakistan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |