|
||||||||
|
||
Ayon sa ulat ng mass media ng Thailand kahapon, binabalak na itatag ng Pamahalaang Thai ang Chiang Mai bilang conference and exhibition center ng ASEAN at Meetings, Incentives, Conventions, Exhibitions (MICE) city, para dagdagan ang kita ng turismo at mapasigla ang kabuhayan ng bansa.
Tinukoy ng opisyal Thai na tataas ng 2 hanggang 3 ulit ang gastos ng MICE kumpara sa karaniwang turismo, kaya mahalaga ito para sa pagdaragdag ng kita at pagpapasigla ng kabuhayan.
Sinimulan nang tumakbo noong Mayo ng taong ito ang operasyon ng Chiang Mai International Convention and Exhibition Center. Ito ang pinakamalaking conference and exhibition center ng Timog silangang Asya, ito rin ang pangunahing proyekto sa mithiin ng Chiang Mai para maging conference and exhibition center ng ASEAN.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |