|
||||||||
|
||
Isinaoperasyon na kamakailan ang pangunahing linya ng natural gas pipeline sa pagitan ng Tsina at Myanmar. Sa hinaharap, ihahatid nito ang 12 bilyong metro kubiko na natural gas bawat taon sa rehiyon sa paligid ng naturang pipeline, at mahigit 100 milyong mamamayan ng Tsina at Myanmar ang makikinabang dito.
Bilang mahalagang bahagi ng proyekto ng oil and natural gas pipeline ng Tsina at Myanmar, 2520 kilometro ang kabuuang haba ng nabanggit na natural gas pipeline, at ang gas field sa loob ng Myanmar ay ang siyang nagiging pangunahing panggagalingan ng natural gas nito.
Isinalaysay ng kinauukulang personahe ng China National Petroleum Corporation na ang natural gas mula sa Myanmar ay ipagkakaloob sa mga mamamayan at mga industriya at sektor ng lipunan batay sa patakaran ng presyo ng natural gas ng bansa. Dahil mas mura ang presyo ng natural gas na ihatid sa pamamagitan ng pipeline kumpara sa liquefied natural gas at liquefied petroleum gas, makakabuti ito sa pagpapababa ng kapital ng paggamit ng gas ng mga mamamayan.
Pagpasok ng katapusan ng nagdaang taon, madalas na lumitaw ang grabeng haze sa maraming lugar ng Tsina, bagay na nakatawag ng pansin ng mga tao sa estruktura ng konsumo ng enerhiya na labis na depende sa karbon, at nagpabilis ng hakbang ng paghalili ng yaman ng natural gas sa loob ng Tsina. Ayon sa pagtaya, ang 12 bilyong metro kubikong natural gas na ihahatid ng nasabing pipeline bawat taon ay maaaring humalili sa 30.72 milyong toneladang karbon, at mababawasan nito ang 52.83 milyong toneladang pagbuga ng carbon dioxide.
Ang oil and natural gas pipeline sa pagitan ng Tsina at Myanmar ay isang joint venture project na nilalahukan ng 6 na kompanya ng Tsina, Myanmar, India at Timog Korea. Ang pagsasaoperasyon nito ay magdudulot ng pakinabang para sa iba't ibang kalahok na panig. Ipinalalagay ni Liu Yijun, Propesor ng China University of Petroleum, Beijing, na ang naturang pipeline ay nakapaglatag ng pundasyon para sa kooperasyong pang-enerhiya ng Tsina at Timog-silangang Asya. Makakabuti ito sa pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina at iba't ibang bansa sa Timog-silangang Asya sa mga malalaking proyekto ng enerhiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |