|
||||||||
|
||
Sinimulan kamakalawa ni Aung San Suu Kyi, kilalang lider na pulitikal at Tagapangulo ng National League for Democracy ng Myanmar, ang kanyang 5-araw na pagdalaw sa Britanya. Ayon sa iskedyul, kinatagpo na siya nina Prince Charles, Punong Ministro David Cameron, Ministrong Panlabas William Hague, at iba pang personaheng Britaniko.
Sa kanyang pakikipagtagpo kay Aung San Suu Kyi, nangako si Cameron na pag-ibayuhin ang pagkakaloob ng pagkatig sa kanya para maigarantiya ang maalwang pagdaraos ng pambansang halalan ng Myanmar sa susunod na taon. Ani Cameron, kahit may pagbuti ang kalagayan sa loob ng Myanmar, umaasa ang Britanya na makikita ang pagsusog sa konstitusyon para makalikha ng kondisyon sa paglahok ni Aung San sa pambansang halalan. Aniya, kung walang paglahok ni Aung San, ang naturang halalan ay hindi matatawag na "demokratikong halalan", kaya dapat isagawa ng pamahalaan ng Myanmar ang aktuwal na aksyon.
Ipinahayag naman ni Aung San Suu Kyi na ang masusing isyu ngayon ay pagsusog sa konstitusyon, at saka lamang maipagpapatuloy ang proseso ng demokrasya. Sa kasalukuyan, kaunti pa lamang ang natatamong progreso ng Myanmar sa aspektong ito.
Napag-alaman, magtatalumpati si Aung San sa Royal Military Academy Sandhurst (RMAS). Pagkatapos nito, dadalaw rin siya sa Northern Ireland para malaman ang proseso ng kapayapaan at rekonsilyasyon doon. Dahil naipatalastas na ng Britanya ang pagpapanumbalik ng kooperasyong militar sa Myanmar, nahinuha ng mga tagalabas na magkakaloob ang RMAS ng pagsasanay sa tropa ng Myanmar. Bukod dito, ang tagumpay ng prosesong pangkapayapaan ng Northern Ireland ay isa sa mga pokus ng kasalukuyang pagdalaw ni Aung San. Umaasa siyang matutularan ang karanasan ng pagsasakatuparan ng dalawang nagsasagupaang panig ng Northern Ireland ng rekonsilyasyon upang mapasulong ang rekonsilyasyon sa loob ng Myanmar.
Pagkatapos ng kanyang biyahe sa Britanya, dadalaw rin si Aung San Suu Kyi sa Italya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |