Ipinahayag kahapon ng Hong Kong Security Bureau (HKSB) na dapat ito gumawa ng angkop na pagsasaayos kay Bernardito Chua Ang, Konsehal ng Maynila, na humiling na ipatawag ang opisyal ng HKSB tungkol sa paghingi ng paumahin hinggil sa Manila Hostage Crisis.
Bilang tugon, ipinahayag ng HKSB na inisyal na nakipag-ugnayan kahapon sila kay Bernardito. Inulit din nitong iisa lang ang target ng gawain ng pamahalaan-patuloy na magsikap hanggat makakaya, para matugunan ang 4 na kahilingan ng mga kamag-anakan ng mga biktima ng trahedya: paghingi ng paumahin, bayad-pinsala, pagparusa sa mga opisyal na may kamalian, at pagsagawa ng angkop na hakbangin para maigarantiya ang kaligtasan ng mga turista.
Salin: Andrea