Ipinatalastas kahapon ng hukbo ng pamahalaan ng Syria na nabawi nito ang Hatetat al-Turkman, sa kanugnog na lugar ng Damascus, kabisera ng Syria.
Sinipi ng Ahensiya sa pagbabalita ng Syria ang pananalita ng isang Syrian Official sa pagsasabing ang Hatetat al-Turkman ay ang pinakahuling lugar na nasakop ng mga terorista sa rehiyon mula lunsod ng Damascus sa pambansang lansangan ng paliparan. Sa kasalukuyan, ipinagpapatuloy pa ng hukbo ng pamahalaan ang pagtugis sa mga malalabi pang terorista.
Salin:Sarah