Ayon sa ulat ng Japan Broadcasting Corporation(NHK)kahapon, isiniwalat kamakailan ng isang opisyal ng Estados Unidos (E.U.) na ang Hapon man ay target ring ng monitoring ng E.U..
Ayon sa nasabing opisyal na ayaw ipabanggit ang pangalan, lumagda ang E.U. sa kasunduan kasama ng Britanya, Australya, Kanada, at New Zealand na hindi magsasagawa ng pag-eespiya sa isa't isa. Bukod sa kanila, ang lahat ng ibang kaalyado ng E.U. na kinabibilangan ng Hapon at Alemanya ay target ng espionage ng E.U.. Ayon pa sa nasabing opisyal, nagtayo ang E.U. ng mga himpilan ng intelligence gathering sa military bases nito at embahada sa iba't ibang lugar ng daigdig, at maging sa Hapon ay mayroon ding ganitong instalasyon.
Salin: Andrea