Ipinahayag kahapon ng Kagawaran ng Tanggulan ng Amerika na hindi totoo ang ulat ng pahayagang Nihon Keizai Shimbun ng Hapon na nagsasabing itinakda na ng Hapon at Amerika ang plano hinggil sa mutuwal na pagtatangol sa Diaoyu Islands.
Sinabi rin ng isang public affairs official ng Pentagon na hindi nagbabago ang posisyon ng Amerika sa isyu ng Diaoyu Islands. Aniya, hinihimok ng Amerika ang Tsina at Hapon na mapayapang lutasin ang isyung ito, hindi isagawa ang mga aksyong magdudulot ng tensyon sa kalagayan, at iwasan ang misjudgement na posibleng makapinsala sa kapayapaan, katiwasayan, at kaunlarang pangkabuhayan ng rehiyon.