Nagpulong kamakailan ang mga sandatahang grupo ng mga pambansang minorya ng Myanmar, at narating nila ang komong palagay na, sa kondisyong may garantiya ng pamahalaan ang pagsasagawa ng diyalogong pulitikal, lalagdaan nila ang kasunduan ng tigil-putukan sa buong bansa.
Lumahok sa naturang pulong ang 17 sandatahang grupo na gaya ng Kachin Independence Army, Karen National Union, at iba pa. Pero, walang United Wa State Army, pinakamalaking sandatahang grupo ng pambansang minorya ng Myanmar.
Nakatakdang makipagtagpo ngayong araw ang naturang mga sandatahang grupo sa kinatawan ng pamahalaan ng Myanmar, at isusumite ang nabanggit na komong palagay.
Nauna rito, nagpahayag minsan ng pagtanggap si Pangulong Thein Sein ng Myanmar sa pagdaraos ng naturang pulong. Umaasa aniya ang pamahalaan na malalagdaan, kasama ng lahat ng mga sandatahang grupo, ang kasunduan ng tigil-putukan, para masimulan na ang susunod na yugto ng diyalogong pulitikal.
Salin: Liu Kai