Nakipag-usap kahapon ang kinatawan ng pamahalaan ng Myanmar sa mga kinatawan ng sandatahang grupo ng mga pambansang minorya ng bansa. Ito ay para mapasulong ang paglagda nila ng kasunduan ng tigil-putukan sa buong bansa, at pumasok sa susunod na yugto ang diyalogong pulitikal.
Tumagal ng dalawang araw ang naturang pag-uusap, at sinasaksihan ito ng mga personahe ng mga pandaigdig na organisasyon na gaya ni Vijay Nambiar, Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng UN sa isyu ng Myanmar.
Salin: Liu Kai