Ipinahayag kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagbibigay-tulong ang Pasuguan ng Tsina sa Thailand sa mga mamamayang Tsino na biktima ng paglubog ng isang panturistang bapor sa Thailand.
Nitong nagdaang Linggo, isang bapor na panturista ang tumaob at lumubog sa Pattaya, Thailand. Ikinamatay ito ng anim na turistang kinabibilangan ng isang mula sa Hong Kong, Tsina. Bukod dito, nasugatan din ang isa pang turistang taga-Hong Kong at isang taga-Guangdong, Tsina.
Sinabi ni Hong na pagkaraan ng trahedya, inilunsad kaagad ng Embahada ng Tsina sa Thailand ang pangkagipitang mekanismo at ipinadala ang mga opisyal sa pinangyarihan para mabigyan ng tulong ang mga apektadong mamamayan.
Ipinagdiinan ni Hong na patuloy na aayusin ng Pasuguang Tsino ang mga gawain pagkatapos ng trahedya.
Salin: Jade