|
||||||||
|
||
Mula noong 2010, nagsimulang nagtulungan ang Tsina, Laos, Thailand, at iba pang bansang ASEAN sa konstruksyon ng Pan-ASEAN Railway. Ito ay para mapasulong ang paggagalugad sa Mekong River at mapalalim ang estratehikong partnership. Pagkaraan ng pagdalaw ng mga lider Tsino sa ASEAN, posibleng mapatupad ang konstruksyon ng China-ASEAN high-speed rail (HSR) sa taong 2020 o bago pa man sumapit ang taong ito. Para sa kapwa Tsina at ASEAN, ang konstruksyon ng HSR ay hindi lamang magdudulot ng malaking interes, kundi may malalim ding katuturan.
Unang una, magdudulot ang HSR ng malaking pagkakataon ng pag-unlad para sa Timog kanlurang Tsina at mga bansang ASEAN. Sa kasalukuyan, ang interconnection at interlink ay bagong pokus ng kooperasyong panrehiyon, at napakahalaga ng konstruksyon ng railway sa konstruksyon ng mga imprastruktura. Kung itatatag ang China-ASEAN HSR, mailalagay sa ayos ang transportation network sa pagitan ng Tsina, Thailand, Biyetnam, Laos, Kambodya, Myanmar, Malaysia at Singapore. Ito ay makakabuti sa pagpapalitan ng mga tauhan at materyal.
Ikalawa, ang China-ASEAN HSR ay lilikha ng bagong porma ng kooperasyon. Sa panahon ng pagdalaw sa Thailand ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, nilagdaan ng Tsina at Thailand ang "Memorandum of Understanding hinggil sa intergovernmental cooperation projects sa pagitan ng Tsina at Thailand tungkol sa pagpapalitan ng konstruksyon ng railway at produktong agrikultural ng Thailand.'' Ang nasabing porma ay bagong paraan para sa pagtutulungan na may pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan.
Ikatlo, dadalhin ng China-ASEAN HSR ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN sa bagong era. Makakabuti ito sa integrasyong panrehiyon ng mga bansang ASEAN at paglaki ng kabuhayang Tsino.
Salin: Andrea
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |