Tinalakay kahapon ng UN, Amerika, at Rusya ang mga gawain ng paghahanda para sa bagong round ng pandaigdig na pulong sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria.
Lumahok sa pulong sina Lakhdar Brahimi, Joint Special Envoy ng UN at Arab League sa krisis ng Syria; Jeffrey Feltman, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng UN; Wendy Sherman, Pangalawang Kalihim ng Estado ng Amerika; at Mikhail Bogdanov at Gennady Gatilov, kapwa Pangalawang Ministrong Panlabas ng Rusya.
Bago pa man ang naturang pulong, gumawa na si Brahimi ng pagdalaw sa Gitnang Silangan. Sa kanyang pananatili sa Syria, kapwa sinabi sa kanya ng pamahalaan at paksyong oposisyon ng Syria na nakahanda silang lumahok sa bagong round ng pandaigdig na pulong sa Geneva, at walang pasubali ang paglahok ng pamahalaan ng Syria.
Salin: Liu Kai