Sinabi kaninang umaga ng panig opisyal ng Pilipinas na nagdulot ang bagyong Yolanda ng malaking kasuwalti sa Tacloban, Leyte, at ang bilang ng mga namatay ay lumampas sa isang daan.
Nakuha ng Civil Aviation Authority ng Pilipinas ang ulat mula sa paliparan sa Tacloban na nagsasabing natuklasan nila sa ilang kalye sa paligid ng paliparan ang mahigit isang daang bangkay. Pinaniniwalaang namatay ang mga taong ito sa kalamidad ng Yolanda. Bukod dito, nasugatan naman sa lokalidad ang mahigit isang daang tao, at naputol ang telekomunikasyong pansilibyan sa labas.
Dumaluhong kahapon ang bagyong Yolanda sa ilang lugar sa gitna ng Pilipinas, at ang lalawigang Leyte ay isa sa mga lugar na napakagrabeng apektado.
Salin: Liu Kai