Para matamo ang bunga, patuloy ngayong araw sa Geneva ang talastasan sa pagitan ng Iran at anim na bansa na kinabibilangan ng Amerika, Britanya, Pransya, Rusya, Tsina, at Alemanya hinggil sa isyung nuklear ng Iran.
Sinimulan kamakalawa ang talastasang ito at nakatakdang matapos kahapon. Pagkatapos ng unang araw ng talastasan, sinabi ni Catherine Ashton, nakatataas na kinatawan ng Unyong Europeo sa suliraning panlabas at patakarang panseguridad, na pumasok na ang talastasan sa yugto ng masusing pagtalakay, at umaasa siyang matatamo nito ang substansyal na progreso. Aniya pa, kung gagawa ang Iran ng pangako, mararating nito at anim na bansa ang kasunduan.
Kahapon, dumating sa Geneva para lumahok sa nabanggit na talastasan ang mga ministrong panlabas ng Amerika, Pransya, Britanya, at Alemanya. Ang kanilang paglahok ay magdudulot ng inaasahang mararating na kasunduan sa okasyong ito.
Salin: Liu Kai