Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, sinimulan

(GMT+08:00) 2013-11-09 17:13:50       CRI
Sinimulang idaos ngayong araw sa Beijing ang ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Pag-aaralan sa sesyon ang hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma ng Tsina, at ito ay palatandaang papasok sa bagong yugto ang reporma at pagbubukas sa labas ng bansa.

Ipinahayag minsan ng mga lider Tsino na ang kasalukuyang round ng reporma ay walang katulad sa lawak at lakas, at tiyak na magdudulot ito ng malalimang pagbabago sa iba't ibang larangan ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.

Kaugnay ng nabanggit na sesyon, sinabi ni Wang Huaichao, propesor ng Party School ng CPC, na tatalakayin sa sesyon ang hinggil sa kung anu-anong aspekto at kung papaanong isasagawa ang reporma. Sinabi naman ni Qin Gang, propesor din ng naturang paaralan, na ang priyoridad ng reporma ay pagtugon sa mga inaasahan at pangangailangan ng mga mamamayan. Ipinalalagay naman ni Cheng Yung-nien, propesor ng National University of Singapore, sa kasalukuyang matumal na kalagayan ng kabuhayan sa buong daigdig, ang reporma at pagbabago ng Tsina ay magbibigay ng bagong sigla sa kabuhayang pandaigdig.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>