Nagbibigay ng malaking pansin sa idinaraos na ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang mga pandaigdig na media na gaya ng Reuters, Agence France-Presse, Associated Press, Deutsche Presse Agentur, Bloomberg News, at iba pa.
Anang mga media na ito, gagawin sa sesyong ito ang mga mahalagang desisyon hinggil sa reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina, at itatakda rin ang pangkalahatang plano hinggil sa komprehensibong pagpapalalim ng reporma at pagpapasulong ng sustenable at matatag na paglaki ng kabuhayan.
Salin: Liu Kai