MALAKAS ANG BAGYONG "YOLANDA" - Maraming mga puno ang nabunot at mga halamang napinsala sa lakas ng hanging dala ni "Haiyan" o Yolanda sa Pilipinas. Ito ang larawang mula sa Ormoc City sa Leyte. (Philippine Red Cross)
MGA TAHANAN, NAPINSALA RIN. Makikita ang pinsalang dala ni "Haiyan" sa Roxas City sa Lalawigan ng Capiz. Naka-anim na landfall si "Yolanda" bago lumabas ng Philippine Area of Responsibility kaninang hapon. (Philippine Red Cross)
MGA BAHAY KALAKAL NAPINSALA RIN. Isa sa mga gasolinahan ang lubhang napinsala sa pagdaan ng bagyong "Yolanda" o "Haiyan" sa Central Philippines kahapon. Wala pang pagtataya kung gaano ang naging pinsala ng bagyo sa dinaanan nito. (Philippine Red Cross)