Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang Tsino, binibigyang-diin ang paglutas sa mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan

(GMT+08:00) 2013-11-12 18:54:22       CRI

Natapos na ngayong araw ang apat na araw na ika-3 Sesyong Plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Ang mga plano ng naghaharing partidong CPC tungkol sa paglutas sa mga iyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan ay nakatawag ng malaking pansin mula sa lipunan.

Sapul nang idaos ang unang sesyong plenaryo ng ika-18 Komite Sentral ng CPC, naging priyoridad na ng kasalukuyang pamahalaan ang pag-unlad at pamumuhay ng mga mamamayan at buong lakas na nagsisikap para malutas ang mga isyung tulad ng pagpapagamot, edukasyon, social security at iba pa.

Para rito, sa background na bumabagal ang bahagdan ng paglaki ng kita ng pambansang pinansiya, pinabuti muna ng pamahalaang sentral ang estruktura ng budget at binawasan ang paggasta ng pondong pampubliko. Iniharap ng konseho ng estado ng Tsina na sa termino ng kasalukuyang pamahalaan, hindi muna magtatayo ng bagong gusaling pampamahalaan at hiniling sa lahat ng organo ng pamahalaang sentral na bawasan nang 5% ang karaniwang gastos sa taong 2013.

Samantala, para mapasulong ang pagdaragdag ng hanap-buhay, at mapatatag ng pamumuhay ng mga mamamayan, ipinalabas ng pamahalaang sentral ang isang serye ng mga hakbanging kinabibilangan ng pagbabawas ng buwis ng mga maliit at katamtamang laking bahay-kalakal, paglikha ng mga trabahong pampubliko at pagbibigay ng patakarang preperensiyal sa mga bahay-kalakl na nag-e-empleo ng mga mahihirap na grupo.

Bukod dito, ang kaligtasan ng hangin, tubig, lupa, pagkain at iba pang mga puntamental na pangangailangang may kinalaman sa eksistensiya ng mga mamamayan na binalewala sa proseso ng pagpapaunlad ng kabuhayan nitong mahabang panahong nakalipas, ay inilaki na ngayon sa listhan ng paglutas ng pamahalaang sentral. Pagpasok ng taong ito, sinimulang pairalin ng Tsina ang ilang safety standard system, monitoring system, traceability system, maket access system, recall system upang maitatag ang pinakamahigpit na sistema sa pamamahala at pagmomonitor ng gamot at pagkain na sumasaklaw ng lahat ng hakbang ng produksyon, pagbebenta at paggamit.

Bilang panghuli, nagsisikap pa ang pamahalaang Tsino para mapabuti ang sistema at mekanismo para mailikha ang isang kapaligirang panlipunan na may pagkakapantay-pantay sa karapatan, pagkakataon at batas.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>