|
||||||||
|
||
Natapos kamakalawa ang Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Sa bagong round ng reporma ng Tsina, nananatiling priyoridad ang repoma ng pamilihan. Ang iba pang bagay na nakatawag ng malaking pansin mula sa opinyong pampubliko ay, sa kauna-unahang pagkakataon, maliwanag na iniharap sa pahayag na ipinalabas ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ang di-mapag-aalinlanganang papel ng pamilihan sa pag-ulad ng ekonomiya, pagpapaunlad sa public ownership economy at non-public ownership economy. Anang pahayag, ang mga nabanggit ay pawang mga importanteng bahagi ng sosyalistang market economy.
Pagkaraan ng halos 35 taong reporma at pagbubukas sa labas, pumasok na sa isang bagong yugto ang kaunlarang pangkabuhayan ng Tsina. Ilan sa mga pangunahing problema ay labis na pagkadepende sa superbisyon at control ng pamahalaan, at kakulangan sa puwersang pantulak ng paglaki ng kabuhayan. Ayon kay Niao Gaoming, direktor ng Institute of Economic System and Management National Development and Reform Commission, na kung nais ng pamahalan na malutas ang mga isyung ito, dapat palakasin ang papel na ginagampanan ng pamilihan sa pag-unlad ng ekonomiya. Sabi niya:
Para mapanatili ang kasiglahan ng pamilihan, dapat igarantiya ang pagpapabuti ng kapaligirang-pang-negosyo, igarantiya ang pagkapantay-pantay sa kompetisyon, nang sa gayo'y, mapasulong ang kasiglahan sa pagsisimula at pagpapaunlad ng negosyo.
Para matupad ang naturang target, inaprubahan ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ang desisyon hinggil sa pagpapalalim ng repormang pangkabuhayan at maayos na paghawak ang relasyon sa pagitan ng pamahalaan at pamilihan. Ayon dito, kailangang gumanap ang pamilihan ng di-mapag-aalinlanganan o "decisive" na papel sa pamamahagi ng mga yaman, nang sa gayo'y, maigarantiyang magkakaroon ng pantay-pantay na lahukan sa kompetisyong pampamilihan ang lahat ng porma ng market entity. Tungkol dito, tinukoy ni Nie na
Kaugnay ng reporma sa mekanismong pang-ekonomiya, ang pahayag na ipinalabas ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ang ilang pangunahing aspekto: isa, ay pagkakapantay-pantay ng lahat ng porma ng pagmamay-ari ng kabuhayan sa pamilihan; ikalawa, pantay na pantay pagbabahagi ng lahat ng yaman; at pantay na pantay na kompetisyon ng isa't isa.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |