Nagpalabas kahapon ang International Atomic Energy Agency (IAEA) ng ulat hinggil sa planong nuklear ng Iran. Anang ulat, nitong nakalipas na tatlong buwan, binagalan ng Iran ang pagtatayo ng mga pasilidad na nuklear, at walang maliwanag na paglaki ng reserba ng 20% enriched uranium nito.
Ayon sa nabanggit na ulat, para gumawa ng isang nuclear bomb, kinakailangan ang 240 hanggang 250 kilong 20% enriched uranium, pero nitong nakalipas na tatlong buwan, lumaki lamang ng 5% ang bolyum ng 20% enriched uranium ng Iran at hindi umabot sa 200 kilos. Sinabi rin ng ulat na itinigil ng Iran ang paggawa ng isang heavy water reactor. Kung tatakbo ang reactor na ito, makakapagprodyus ang Iran ng elementong plutonium, isa pang kinakailangang bagay para sa nuclear bomb.
Salin: Liu Kai