Ipinahayag ngayong araw ni Tagapagsalita Hong Lei ng Ministring Panlabas ng Tsina na anumang paraan ng propaganda ang isinasagawa ng panig Hapones, hindi mababago ang katotohanang ang Diaoyu Islands ay teritoryo ng Tsina.
Sinabi kamakailan ng isang tagapayo ng punong ministro ng Hapon na dapat pigilan ng Hapon ang sarili, para maiwasan ang emosyonal na reaksyon sa mga probokasyon ng Tsina sa isyu ng Diaoyu Islands.
Kaugnay nito, sinabi ni Hong na talos ng lahat kung sino ang gumagawa ng mga probokasyon sa isyu ng Diaoyu Islands. Aniya, kung talagang gusto ng Hapon na pabutihin ang relasyon sa Tsina, dapat nitong iwasto ang atityud nito, at magpakita ng katapatan sa paglutas ng isyu.
Salin: Liu Kai