Pagkaraang maipalabas ang buong teksto ng dokumento ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa desisyon sa malalaking isyu ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma, nakatawag na ito ng malaking pansin sa mga pandaigdig na media. Ipinalalagay nilang batay sa dokumentong ito, magsasagawa ang Tsina ng walang katulad na malaliman at malawak na reporma.
Anang Reuters, komprehensibo ang dokumentong ito na sumasaklaw sa reporma sa maraming larangan.
Sinabi naman ng Wall Street Journal ng Amerika na maraming detalye ang dokumento bilang tugon sa kasalukuyang mga pangunahing isyu ng Tsina.
Ipinalalagay naman ng Financial Times ng Britanya na sa dokumentong ito, iniharap ng naghaharing partido ng Tsina ang may pinakamalaking hangaring plano sa reporma.
Salin: Liu Kai