Nag-usap kamakalawa sa telepono sina Pangulong Vladimir Putin ng Rusya at Pangulong Bashar al-Assad ng Syria. Ito ang kauna-unahang pag-uusap sa telepono ng dalawang pangulo nitong nakalipas na halos dalawang taon.
Sa pag-uusap, ipinabatid ni Putin kay Assad ang pagsisikap ng Rusya at ibang bansa para sa pagdaraos ng bagong round ng pandaigdig na pulong sa Geneva hinggil sa isyu ng Syria.
Tinalakay din ng dalawang panig ang hinggil sa pagsuko ng Syria ng mga sandatang kemikal sa UN, at makataong kalagayan sa loob ng bansang ito.
Salin: Liu Kai