|
||||||||
|
||
SINABI ni Assistant Secretary Raul Hernandez ng Kagawaran ng Ugnayang Panglabas, na umabot na sa 43 mga international donors ang nangako o nakapagpadala ng ng tulong sa relief and recovery operations sa mga pook na apektado ni "Yolanda."
Ang international assistance ay tinatayang nagkakahalaga ng P 5.4 bilyon o US $ 126.8 milyon. Ang mga ito ay pawang mga donasyon na nilagyan ng halaga at pangakong financial aid na pinoproseso pa ayon sa mga alituntunin ng mga nagkaloob bago makarating sa kinauukulan.
Nakatuon ang Department of Foreign Affairs sa koordinasyon sa foreign government at international organizations na nais tumulong. Nagsasagawa ng verification process ang kagawaran na kinabibilangan ng paghingi ng official notification mula sa foreign government o international organization bago maisama ang impormasyon sa talaan.
Ipinadala ng pamahalaan ng Canada ang isa sa kanilang mga eroplano sa Central Philippines dala ang mga gamot at pagkain para sa mga biktima ni "Yolanda." May 43 mga bansa at international organizations ang tumutulong sa Pilipinas matapos hagupitin ng napakalakas na bagyo noong nakalipas na Biyernes. (Philippine Army Photo)
Tinatanggap din ng DFA ang mga kahilingan para sa diplomatic clearance sa paglabas-masok ng mga foreign military, government o government-chartered aircraft at mga barko na nagbibigay ng humanitarian assistance at disaster response operations. Sa oras na matanggap ang detalyes ng paglalakbay, ipinararating ito sa Kagawaran ng Kalusugan kung ang barko ay mayroong medical team o mga gamot o sa Office of Civil Defense kung may dalang non-medical goods. Sa paglapag, ang eroplano ay isasailalim sa proseso ng One-Stop Shop ng NDRRMC sa paliparan.
Na sa NAIA at Mactan Airport ang mga One-Stop Shop sa tanggapan ng Bureau of Customs. Ito ang hub ng mga donor, consignee at mgatatanggap ng foreign donations. May mga tauhan ang tanggapan mula sa iba't ibang ahensya tulad ng Bureau of Customs, Bureau of Immigration, DFA, DND, DOJ, DSWD, DepEd, DOTC, DA at DOF.
Pinoproseso ang exemption from duties at taxes para sa ayudang matatanggap.
Ibinalita rin ni Asst. Secretary Hernandez na patuloy na nagpapadala ng tulong ang mga Pilipinong nasa ibang bansa tuald ng Bayanihan Council sa Abu Dhabi at Al Ain na nagkakahalaga ng P110,000 sa Philippine Red Cross at ang Filipino Community sa Malaysia kasama ang mga tauhan ng Embahada ay nakalikom ng P 43,000 para din sa Philippine Red Cross.
Patuloy ang paghahanda ng mga pagkain at kagamitan sa Philippine Red Cross na dadalhin kaagad sa iba't ibang bahagi ng Kabisayaan, Katagalugan at bahagi ng Bikol na tinamaan ni "Yolanda." (PRC Photos)
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |