Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Iba't ibang bansa, nagpapadala na ng tulong sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2013-11-16 11:37:42       CRI

DARATING sa Cebu si Kristalina Georgieva, ang Humanitarian Assistance Commission ng European Union ngayong gabi upang suriin at maunawaan ang pangangailangan ng mga biktima ng bagyong "Yolanda." Nasa isang opisyal na pagdalaw sa Tsina si Bb. Georgiva at biglang binago ang kanyang flight plans.

Magtutungo siya sa Tacloban City bukas ng umaga at makakausap si DILG Secretary Manuel Araneta Roxas II at DSWD Secretary Dinky Soliman at mga opisyal ng pamahalaang lokal.

Makikita rin niya ang ginagawa ng mga tauhan ng United Nations at mga international NGO sa loob at labas ng Tacloban. Makakausap din niya ang EU Civil Protection Staff upang maayos ang relief operations mula sa iba't ibang bansang kabilang sa European Union.

Sa pamamagtian ng European Uniion Humanitarian Office, naipangako na ang unang bahagi ng humanitarian assistance na nagkakahalaga ng P 170 milyon. Mayroon pang P 570 milyon para sa reconstruction efforts.

Karagdagan ito sa mga ibinibigay at ipinapadala ng mga European Union member states tulad ng relief funding at ang mga eroplanong may dalang emergency supplies mula sa European Union at mga kasaping bansa na hihigit na sa € 60 milyon o P 3.4 bilyon.

NAGDESISYON ang pamahalaan ng Japan na dagdagan ang kanilang Emergency Grant Aid na US $ 20 milyon para sa pinsalang idinulot ng bagyong "Yolanda." Ito ay dagdag sa naunang US $ 10 milyon na ibinalita noong Martes.

Mula sa halagang ito, ang mga pagkain, tubig at sanitation, emergency shelter ay maipararating sa pamamagitan ng international organizations tulad ng World Food Program, UNI Children's Fund at International Organization for Migration.

Sa dagdag na tulong, aabot sa US $ 52.1 milyon ang bahagi ng Japan sa relief efforts. Bukod sa halagang ito, nagpadala pa ang Japan ng kanilang Disaster Relief Medical Team at Self-Defense Force units.

Ang emergency Grant Aid ay US $ 30 milyon, ang Fund for Poverty Reduction ng Japan sa Asian Development Bank ay nagkakahalaga ng US $ 20 milyon, ang emergency relief goods ay nagkakahalaga ng US $ 600,000 at ang tulong sa Japanese NGOs ay nagkakahalaga ng US $ 1.5 milyon.

NANGAKO naman ang Pamahalaan ng Timog Korea na magbibigay ng US $ 5 milyon para sa mga nakaligtas at mga biktima ni "Yolanda."

Ayon sa balita ng Embahada ng Pilipinas sa Seoul, napagkasunduan ang halaga sa pinag-isang private-public meeting hinggil sa emergency relief operations sa pangangasiwa ng Ministry of Foreign Affairs. Pinamunuan ni Second Vice Foreign Minister Cho Tae-Yul ang pulong na dinaluhan ng iba't ibang ministries at business at non-government organizations.

Kabilang sa mga lumahok sa pulong ang Office for Government Policy Coordination, Ministry of Security and Public Administration, Ministry of National Defense, Ministry of Trade, Industry and Energy, Ministry of Health and Welfare, Ministry of Land, Infrastructure and Transport, National Emergency Management Agency at Korean Coast Guard. Nakasama rin sa pulong ang Export-Import Bank of Korea, Korea Chamber of Commerce and Industry, Korean Red Cross, Korea NGO Council for Overseas Development Cooperation at Federation of Korean Industries.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>