|
||||||||
|
||
SA likod ng patuloy na relief and recovery operations sa Central Philippines, binubuo na ng National Economic and Development Authority and recovery and reconstruction plan na ibalik ang normalidad sa mga rehiyong tinamaan ni "Yolanda."
Naganap na ang pulong ng Economic Development Cluster ng gabinete na siyang bumuo ng lupon na gagawan ng pagbabalak na nakatuon sa near-term actions na kailangan upang maka-angat ang ekonomiya, maiayos ang mga pasilidad, social services at mapanumbalik ang economic activities.
Isusumite kay Pangulong Aquino ang malawakang balak sa loob ng dalawa hanggang tatlong linggo at maipatutupad kaagad.
Mahalagang mabatid ang pinsala at mga nawala upang maisaayos ang pagkilos ng pamahalaan, dagdag ni Kalihim Arsenio Balisacan. Tutugon ang balak sa epekto sa lipunan at ekonomiya ng bagyong "Yolanda."
Ayon sa naunang datos, sa pagsusuri sa pinsala at nawala sa produksyon, tinataya ng NEDA na ang fourth quarter 2013 growth ay babagal at makakarating sa 4.1%. Ang masamang epekto ng bagyo ay aabot sa 2014 dahilan sa pagbagal ng production capacity. Maaaring bumaba ang buong taong GDP para 2013 ng may 0.3 hanggang 0.8 percentage point na magpapababa sa growth estimates na 6.5% hanggang 7%. Bago humagupit ang mga kalamidad sa bansa, ang ekonomiya ay inaasahang lalago sa 7.3% para sa 2013 matapos magkaroon ng 7.6% growth sa unang anim na buwan ng taon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |