WALANG tiyak na bilang ang nasawi at napinsala ng bagyong "Yolanda" subalit ang mga paring kabilang sa Oblates of Mary Immaculate ay naglunsad ng fund drive upang matulungan ang mga biktima sa Central Philippines.
Pinangalanang "Operation Tulong Yolanda Victims," nanawagan ang kongregasyon sa pamamagitan ng Oblate Missionary Foundation Inc. at Oblate Media, nanawagan si Fr. Larry De Guia sa pamamagitan ng kanilang mga himpilan ng radyo.
Aniya, ang pananampalataya ng walang kaukulang pagkilos ay maituturing na patay. Sapagkat sila'y nasa Cotabato at nakaligtas sa pinsalang dala ng bagyo, kailangang tumulong ang mga mamamayan sa mga apektadong pook.
Maipadadala ang mga donasyon sa Oblate Radio Stations tulad ng DXMS at DXND sa Cotabato City, Kidapawan City at maging sa Koronadal City. Tinatanggap ang mga pagkain, lumang damit at salapi sa kampanyang ito. Hanggang kaninang umaga ay nakatanggap na sila ng P 750,000, US $ 20,000 at € 2000.