|
||||||||
|
||
Kaugnay ng reporma sa sistemang pulitikal, sinabi ni Song na ang nukleo ng repormang ito ay ang reporma sa sistemang administratibo para mapataas ang episiyensiya ng pamamahala ng pamahalaang Tsino, at mapasulong ang modernisasyon ng sistema at kakayahan ng pamamahala.
Ipinalalagay niyang ang priyoridad ng naturang reporma ay pagbabago ng mga tungkulin ng pamahalaan. Aniya, dapat ilagay ng pamahalaan ang mga tungkulin sa pangangalaga sa pagkakapantay-pantay at katarungan sa lipunan, paglikha ng mabuting kapaligirang pangkaunlaran, at pagkakaloob ng magandang serbisyong pampubliko.
Kaugnay naman ng reporma sa sistema ng pangangalga sa ekolohiya at kapaligiran, sinabi ni Song na ang pangangalga sa ekolohiya at kapaligiran ay hindi lamang isyung pulitikal, kundi isyung may kinalaman din sa pamumuhay ng mga mamamayan. Aniya, para mas higit na mapangalagaan ang ekolohiya at kapaligiran at mapabuti ang pangangasiwa sa gawaing ito, dapat itatag ang isang kumpleto at malawak na sistema.
Dagdag pa ni Song, sa kasalukuyan, may dalawang priyoridad sa reporma sa sistema ng pangangalga sa ekolohiya at kapaligiran: una, gawin ang batas hinggil dito; at ika-2, dapat palakasin ng pamahalaan ang pagpaplano at koordinasyon sa usaping ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |