Binuksan kahapon sa Kunming, kabisera ng lalawigang Yunnan, Tsina ang ika-13 Asia Art Festival. Ipinakita sa aktibidad ang paksang "Charming Asia, Cultural China, Colorful Yunnan, at Beautiful Kunming."
Ayon sa ulat, dadalo sa naturang pagtitipon ang mga delegasyon mula sa labing-isang bansang Asyano, na gaya ng Kambodya, Indonesya, Singapore, Vietnam, Sri Lanka, Nepal, at Hilagang Korea. Bukod dito, dadalo rin ang mga kinatawan mula sa mga organisasyong pandaigdig at diplomatang dayuhan sa ibat-ibang may kinalamang aktibidad.
Ang Asia Art Festival ay tanging regional art festival na tinanggap ng Konseho ng Estado ng Tsina. Idinaraos ito sa mga kalunsuran ng Tsina, kada taon, sapul noong 1998