Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagbibigay-diin sa papel ng pamilihan, pinakamalaking tampok sa Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC

(GMT+08:00) 2013-11-19 17:51:59       CRI

Ayon sa "Kapasiyahan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa Ilang Mahahalagang Isyu Hinggil sa Komprehensibong Pagpapalalim ng Reporma" na sinuri at pinagtibay ng Ika-3 Sesyong Plenaryo ng Ika-18 Komite Sentral ng CPC, ginawa ang pragmatikong plano sa reporma at pagbubukas sa labas, at pag-unlad ng Tsina sa darating na sampung taon. Binigyang-diin nito na ang reporma sa sistemang pangkabuhayan ay pokus ng komprehensibong pagpapalalim ng reporma.

Ipinahayag ni Wang Guogang, Puno ng Instituto ng Pananaliksik ng Pinansiya ng Chinese Academy of Social Sciences, na ang pagbibigay-diin sa di-mapag-aalinlanganang papel ng pamilihan sa pagsasaayos ng yaman ay pinakamalaking tampok at breakthrough ng naturang reporma sa larangang pangkabuhayan.

Ayon sa proklamasyon ng nasabing "Kapasiyahan," tinukoy nito na ang nukleong isyu ng reporma sa sistemang pangkabuhayan ay ang mainam na paghawak sa relasyon ng pamahalaan at pamilihan, para mapatingkad ng pamilihan ang mapagpasiyang papel sa pagsasaayos ng yaman, at mas mainam ding mapatingkad ang papel ng pamahalaan. Kaugnay nito, sinabi ni Wang na ipinakikita nito, na sa susunod na reporma, lalong bibigyang-diin ang di-mapag-aalinlanganang papel ng pamilihan sa pagsasaayos ng yaman. Dapat aniyang lubusang patingkarin ang papel ng pamilihan sa pagbuo ng presyo, at huwag gawin ng pamahalaan ang mga gawaing may-kinalaman sa pamilihan.

Tinukoy din ng proklamasyon na dapat pasulungin nang sabay ang komprehensibong pagpapaunlad at paggagalugad ng pokus, at dapat ding malawakang tiponin ang komong palagay upang mabuo ang magkakasamang puwersa sa reporma. Kaugnay nito, ipinalalagay ni Wang na sa kalakhang sistema ng bansa, puwedeng isulong muna ang reporma sa ilang larangan, ngunit kung labis na isusulong ang reporma sa sistemang pangkabuhayan, at hindi uunlad ang reporma sa mga sistema ng lipunan, kultura, pulitika, at ekolohiya, hindi maipagpapatuloy ang reporma sa sistemang pangkabuhayan. Tinukoy pa niya na kasabay ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina, bukod sa reporma sa sistemang pangkabuhayan, dapat ding isagawa ang reporma sa sistemang pulitikal, sistema ng pamamahala sa lipunan, at reporma sa sibilisasyong ekolohikal. Mas mahalaga ang komprehensibilidad ng kasalukuyang reporma kaysa nakaraan, dagdag niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>